Fana – Tawa-Tawa Lyrics

Tawa-Tawa Lyrics – Fana

Sinong mag-aakalang napakadali lamang kitang malilimutan ‘di ako
Mahihirapan
Buong akala mo ay hawak mo ang puso ko
Mahal kita pero may hangganan pag nasasaktan
Inubos mo aking pasensya,
Hirap magtiwala
Puro palusot, sabi nga nila
Isda ay nahuhuli sa bibig ng nagsasalita

‘di ba pa nung una
Simula pa
Sinabi ko na ‘di na puwede dati mong ginagawa
Malinaw na sinabi kong
Ayoko ng gan’to
Gan’to
Ayoko ng gan’to heyyy

Gulong gulo
Ano bang pahiwatig
‘kala mo
Makukuha pang damdamin
Gulong gulo
Sa t’winang maiisip
Kaya bahala ka na
Tawa-tawa na lang
Tawa-tawa na lang

Hindi mo na ko magogoyo, kala mo ay masusuyo mo ko sa istilo mong wala nang bago
Kahit ikot ikutin mo ulit ulitin ko sa iyo,
Sikreto’y ‘di matago

Ayoko ng binabalik mapait na alaala
Kung nagkanito
Magsasakitan lang, mga ganyan ay ’di na dapat
Natin binabalikan

‘di ba pa nung una, simula pa
Sinabi kong pagbibigyan lamang kita
Kung ‘di mo uulitin
Paumanhin

Ayoko ng gan’to
Gan’to
Ayoko ng gan’to hey

:Tawa-Tawa Lyrics – Fana

READ ALSO:  Karen Harding x Wh0 – I Don’t Need Love Lyrics

You may also like...

crownlyrics.com